GOV’T PROJECTS ‘DI MAAPEKTUHAN NG ELECTION BAN – DBM

dbm

(NI BETH JULIAN)

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi maaapektuhan ng election ban ang mga proyektong infrastructure ng gobyerno na nasa ilalim ng Build Build Build Program.

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na maipapasa ang panukalang Pambansang Budget para sa 2019 sa kalagitnaan ng Marso.

Bago pa man maging epektibo ang election ban sa mga government projects, sinabi ni Diokno na nakapagsumite na sila ng request sa Commission on Elections (Comelec) para sa exemption sa election ban sa mga proyekto.

Dito ay kumpiyansa si Diokno na maaprubahan ang mga ito.

Ayon kay Diokno, nasa 200 ang nakalinyang mga proyekto, mga ongoing projects at ang mga iba ay mga bagong proyekto.

Samantala, matapos na ang pag iimprenta sa drafts ng panukalang pambansang budget para sa 2019 at sa loob ng isang linggo ay maipapasa na ito  sa Office of the President para mabusisi ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito ibalik sa DBM para sa statement of differences saka lalagdaan ng Pangulo para sa ganap na pagpapatupad.

7

Related posts

Leave a Comment