GROSS GAMING REVENUES NG PAGCOR SUMIPA NG 32%

TUMAAS ng 32% ang gross gaming revenues (GGR) ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa second quarter.

Itinurong dahilan ng PAGCOR ang electronic games (e-games) sector kung saan lumaki ang ‘top line’ nito ng mahigit sa 6 na beses para sa isang ‘fresh record high.’

Sinabi ng PAGCOR na tinamaan ang GGR ng P89.23 billion, 32.32% mas mataas kaysa sa P67.43 billion sa kaparehong quarter noong 2023, at 9.21% mas mataas kaysa sa P81.70-billion industry quarter sa first quarter.

Iniugnay ng ahensya ang paglago sa e-games sector kung saan nagbigay ng P30.85 billion, sumasalamin sa 525% na pagtaas mula sa P4.93-billion sa nakalipas na taon.

“This sector continues to surpass targets and should help cover up for any shortfall resulting from the President’s order banning offshore gaming operations or POGOs (Philippine offshore gaming operators) by the end of the year,” ayon kay PAGCOR chairman at chief executive officer Alejandro Tengco.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (SONA), ang pagbabawas na sa mga POGO at ipinag-utos sa PAGCOR na ihinto na ang lahat ng operasyon sa pagtatapos ng taon.

Makikita sa isang cost-benefit analysis ng Department of Finance (DOF) na ang POGO industry ay mayroong net cost na P99.52 billion sa Pilipinas, katumbas ng 0.41% sa ekonomiya ng bansa ‘as of 2021.’

Nangyari ito matapos na makita ng POGO ang ‘total cost’ na P265.74 billion sa ekonomiya, kung saan P84.87 billion ay direct economic costs — P39.94 billion ang tinatantiya na pagbaba sa foreign investments dahil sa krimen, P28.62-billion ang bumaba sa inbound tourism revenues, P15.42-billion ang ibinaba sa foreign investments dahil sa corruption perception, at P0.5 billion na additional costs para sa law enforcement and immigration.

Pagdating sa usapin ng kabuuang benepisyo, nakapag-ambag ang POGO ng P166.49 billion. Kabilang dito ang P40.65 billion sa direct benefits — P27.80 billion sa kita mula sa housing space rentals, P5.26 billion mula sa withholding taxes, P4.44 billion mula sa gaming taxes, P3.15 billion sa revenues sa PAGCOR.

Ang mga Licensed casinos, ay nakapagdala naman ng P49.48 billion sa second quarter, bumaba mula sa P51.70 billions sa comparable period ng 2023, at 10.41% mas mababa kaysa sa P4.69 billion sa first quarter.

Iniulat naman ng PAGCOR-operated casinos sa ilalim ng Casino Filipino brand ang P4.20 billion sa revenues, sumasalamin sa 14.80% na pagbaba mula sa P4.93 billion sa nakalipas na taon at 10.41% mas mababa kaysa sa P4.69 billion sa nakalipas na quarter. (CHRISTIAN DALE)

78

Related posts

Leave a Comment