GSIS NAG-ALOK NG EMERGENCY LOAN SA ‘FLORITA’ VICTIMS

INANUNSYO ng Government Service Insurance System (GSIS) na ia-activate nito ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro at pensioners na matinding tinamaan ng tropical storm “Florita.”

Kadalasan na iniaalok ng GSIS ang emergency loans sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

“GSIS members who have an existing emergency loan balance may borrow up to P40,000 to pay off their previous emergency loan balance and still receive a maximum net amount of P20,000.

Those without an existing emergency loan may apply for P20,000. Pensioners may likewise apply for a P20,000 loan,” ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso sa isang kalatas.

Hindi naman binanggit ni Veloso kung kailan tatanggap ang GSIS ng aplikasyon para sa nasabing pautang.

“Active members residing or working in affected areas as well as old-age and disability pensioners based in the same areas may apply for the loan after the areas have been declared under a state of calamity,” anito.

Ayon kay Veloso, ang mga kwalipikadong mag-apply ay iyong mga miyembro na aktibo sa serbisyo at hindi “on leave of absence without pay; ” mayroong tatlong buwan na bayad sa premiums sa nakalipas na anim na buwan; walang nakabinbing administratibo o kasong kriminal at mayroong net take-home pay na hindi bababa sa P5,000 matapos na ang lahat ng required monthly obligations ay ibinawas.

“Aside from the emergency loan, our members may avail themselves of the multi-purpose loan plus, which has a loan ceiling of up to P5 million. Pensioners, on the other hand, may borrow up to six months’ worth of their pension under our enhanced pension loan program or up to P500,000,” ayon kay Veloso.

Naglaan ang GSIS ng kabuuang P5.4 bilyong piso para sa emergency loan assistance para ngayong taon. (CHRISTIAN DALE)

149

Related posts

Leave a Comment