GURO, ESTUDYANTE PINAGBABAYAD NG P4K SA DEPED CONFAB

deped

 KINUWESTIYON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paniningil ng Department of Education (DepEd) ng P4,000 bawat participant sa inorganisang kumperensya sa Pangasinan sa susunod na taon.

Ayon kay 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro Jr., magkakaroon  ang DepEd ng National School Press Conference sa Lingayen, Pangasinan sa Pebrero 1, 2019. Gayunpaman, sa memoradum ng DepEd na inilabas noong Disyembre 27, sinisingil ng lahat ng mga participant na kinabibilangan ng mga guro at estudyante ng tig-P4,000.

Gagamitin umano ang nasabing halaga sa board and lodging ng mga participants, conference materials, pang-renta ng mga sasakyan at equipment at pambayad sa mga magsisilbi at contingency funds. Hindi ito nagustuhan ni Belaro dahil hindi umano dapat pinagagastos ng DepEd ang mga estudyante at mga guro sa ganitong mga kumperensya dahil dagdag na pasanin ito sa kanila. (Bernard Taguinod)

154

Related posts

Leave a Comment