HAKBANG NG MAISUG JAPAN, TAGUMPAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

GUMAPANG na hanggang sa Japan ang Hakbang ng Maisug rally mula sa Pilipinas at Estados Unidos upang patuloy na isulong ang kalayaan ng mga Pilipino na ipahayag ang kanilang saloobin.

Tulad ng inaasahan, dumalo sa peace rally ang mga kilalang tagasuporta ng administrasyong Duterte na kinabibilangan ng unang Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

Sa kanyang pagsasalita nitong Sabado sa pagtitipon na ginanap sa Saitama Hall sa 330-0063 Saitama, Urawa Ward Takasago, 3 Chome-1-4 1F, muling binigyang diin ni Rodriguez ang pangangailangan na ipaglaban at protektahan ng mga Pilipino ang Konstitusyon. Gayundin ang karapatan ng bawat isa na makapagpahayag sa kabila na tila sinusupil ito sa kasalukuyang administrasyon.

Bukod kay Rodriguez, dumalo rin at nagsalita si dating NTF-ELCAC spokesperson Dr. Lorraine Badoy.

“Nandito tayo sa Japan ngayon para makiisa para alam nila ang nangyayaring pang-aapi, panggigipit sa poder, ang katiwalian sa gobyerno ay garapalan at ‘yung oppression sa Saligang Batas na napakahalaga sa karapatan natin ang Bill of Rights.”

“May panahon na tumatahimik tayo at may panahon na dapat tayo ay nagsasalita. So, sa panahon na nagsasalita tayo, pinapatahimik tayo ng mapagsupil na Marcos administration. Umaabot tayo dito sa Japan kasama natin ang mga kababayan natin at maraming salamat at nagsasalita tayo at hindi tayo pumapayag,” bahagi ng pananalita ni Badoy.

Samantala, pinuna ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na sa halip tugunan ang mga totoong suliranin ng bayan ay abala ang administrasyong Marcos sa pag-usig sa kanilang mga kritiko.

Ani Panelo, mistulang pagtatakip ito sa tunay na problema ng bansa.

Kinuwestiyon din niya ang pledges na bunga ng mga biyahe abroad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil wala niyang nakikitang resulta mula rito ang publiko.

54

Related posts

Leave a Comment