Hakbang ng Maisug USA umarangkada PAGLAPASTANGAN SA SALIGANG BATAS TUTULAN – FORMER ES VIC

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HINDI dapat hayaan ng mga Pilipino na lapastanganin ang Saligang Batas lalo pa’t kung ang layunin ay mapanatili sa poder ang iilan.

Ito ang mensahe ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa isang panayam sa kanyang pagdalo sa Hakbang ng Maisug Press Conference sa New York City noong Sabado.

Nakiisa si Rodriguez kasama ang Fil-Am community sa Queens, New York City, USA para sa patuloy na lumalawak na Hakbang ng Maisug.

“Dapat tutulan yung pagtatangka na lapastanganin ang ating Saligang Batas, specifically yung mga political provisions kagaya ng term limit or more so, yung pagpapalit ng uri ng gobyerno from presidential to parliamentary.

Hindi natin ito dapat payagan, hindi natin dapat pahintulutan dahil ang layunin lang naman nito ay mapanatili sa kamay ng isang pamilya ang pamumuno sa ating bansa at hindi ito mabuti,” pahayag ni Rodriguez.

Aniya pa, iisa ang layunin at hinihiling ng lahat ng Hakbang ng Maisug hindi lamang sa Pilipinas, at ito ay ang pagkakaroon ng gobyernong malinis at tapat. Nilinaw rin niya na dapat panatilihin ang kapayapaan sa halip pumasok sa digmaan na hindi ipinapanalo ninoman.

“Ang Hakbang ng Maisug USA ay katulad din ng isinisigaw at hinihiling ng Hakbang ng Maisug Ph at lahat ng Hakbang ng Maisug International. We are calling for a leadership that has transparency, accountability, at pushing for peace, security and stability. No to war and yes to peace.

We have to explore all diplomatic means para maresolba yung ating hindi pagkakaunawaan sa ating higante at superpower na kapitbahay na China. Ayaw natin ng giyera dahil walang nananalo sa giyera, paliwanag pa ni Rodriguez.

Matatandaang tinututulan maging ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isinulong ng Kamara na Charter change o Cha-cha.

Kaugnay nito, umaasa si Senate President Francis Chiz Escudero na igagalang ng Kamara anoman ang magiging desisyon ng Senado sa economic Cha-cha bill.

Tugon ito ng Senate leader sa pahayag ng ilang kongresista na dapat ipasa ng bagong liderato ng Senado ang economic Cha-cha sa gitna ng tumaas na bilang ng mga Pinoy na sumusuporta sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Ayon kay Escudero, iginagalang nya ang Kamara na kanyang naging tahanan sa loob ng siyam na taon kaya umaasa rin siya na ganitong respeto rin ang kanyang makukuha.

Nanawagan si Escudero na hayaan ang Senado na makapagdesisyon ng sarili sa naturang panukala matapos ang konsultasyon sa iba’t ibang sektor.

Una nang nanawagan si House deputy speaker Aurelio Gonzales Jr. kay Escudero na pakingggan ang tinig ng taumbayan sa Cha-cha.

Batay ito sa resulta ng survey na nagsasabi anyang 57 percent ng mga Pinoy ang sumusuporta sa Cha-cha.

Subalit hindi kumbinsido si Escudero na kinakailangan ang Cha-cha upang pumasok ang mga investor sa bansa. (May dagdag na ulat si DANG SAMSON-GARCIA)

55

Related posts

Leave a Comment