MAG-ANAK SUGATAN SA SALPOK NG KOTSE

QUEZON – Sugatan ang limang miyembro ng pamilya na lulan ng tricycle makaraang salpukin ng kotse sa junction ng Eco Tourism Road at National Highway sa Brgy. Manggalang Bantilan sa bayan ng Sariaya, sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga sugatan na sina Mark Joseph Maleon, 37, nagmamaneho sa tricycle; Jeseca Maleon, 39, at kanilang tatlong anak na may edad 10, 14 at 16-anyos, mga residente ng Brgy. Sinala, Bauan, Batangas.

Ayon sa report ng Sariaya Police, galing ng Bauan ang pamilya at patungo sa Sariaya at tinatahak ang San Juan, Batangas- Candelaria Road.

Ngunit pagsapit sa intersection ng Eco-tourism Road nang salpukin ito ng kotseng Toyota Vios na minamaneho ni Adrian Deberto, sakay naman ang kanyang pamilya galing sa Padre Burgos, Quezon at pauwi sa kanilang bahay sa Tanza, Cavite.

Ayon sa driver ng kotse, hindi niya nakita na paparating na sila sa intersection at ‘di niya kabisado ang lugar dahil noon lamang siya nakadaan doon.

Sa lakas ng impact, bumaliktad ang tricycle at naipit ang mga sakay.

Isinugod ang mga ito ng mga bystander sa San Juan Doctors Hospital at nilapatan pa ng lunas.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng kotse habang nag-uusap pa ang magkabilang panig para sa posibleng amicable settlement. (NILOU DEL CARMEN)

60

Related posts

Leave a Comment