Hamon kay Marcos Jr. ACROSS THE BOARD WAGE HIKE SERTIPIKAHANG URGENT

IGINIIT ng isang mambabatas na bigyan ng dignidad ang mga manggagawa sa buong bansa sa pamamagitan ng nakabubuhay na sahod.

Kasabay nito, hinamon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagsisimula ng pagdinig ng House committee on labor na na sertipikahan bilang urgent bill ang mga panukalang across the board wage increase.

“Laging sinasabi na nalulugi umano ang mga kumpanya at magbabawas ng manggagawa kapag itinaas ang sahod kahit di naman totoo. Pag-usapan naman natin kung paano mabubuhay nang may dignidad ang isang manggagawa,” ani Brosas sa kanyang pag-sponsor sa kanilang panukalang P750 across the board wage increase.

Sinabi ng mambabatas na base sa mga report, tumaas ng 21.2% ang income ng 1000 top corporation sa Pilipinas o katumbas ng halos P3 trilyon noong 2023 kaya umabot ang kita ng mga ito sa P16.78 trillion mula sa P13.76 trillion noong 2022.

Wala rin umanong katotohanan na malulugi ang mga medium, small and medium enterprises (MSMEs) bagkus ay lalong lalago ang negosyo ng mga ito dahil magkakaroon ng karagdagang panggastos ang tao.

“This proposed P750 wage increase and national minimum wage bills should be certified as urgent by President Marcos Jr. Legislating a significant wage increase and national minimum wage is long overdue,” ayon kay Brosas na ang grupo ay sumugod sa Batasan Pambansa para magprotesta at manawagan na ipasa ang nasabing panukala.

Ayon naman kay TUCP party-list Raymund Democrito Mendoza na nagtutulak ng P150 across the board wage increase, masyadong mataas ang presyo ng mga bilihin subalit nananatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa.

Subalit, ayon kay Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II, dapat mag-ingat ang Kongreso sa nasabing panukala at iwasan aniya na bigyan ng pag-asa ang mga manggagawa na hindi naman kayang ibigay.

(BERNARD TAGUINOD)

96

Related posts

Leave a Comment