Hamon ni Gadon sa Rappler at Vera Files PNP I-FACT CHECK NYO RIN!

HINAMON ni UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon ang tinawag niyang pinaka-bias at ‘hao shao’ na media sa bansa na Rappler at Vera Files na subukang i-fact check din ng mga ito ang Philippine National Police (PNP).

May kaugnayan ang hamon sa ginawang pambubuko ng kapulisan na ‘bloated’ o dinaragdagan lamang ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang bilang ng mga dumadalo sa kanilang concert rally.
Ayon kay Gadon, kung talagang may natitira pang sinseridad sa katawan ang pamunuan ng Rappler at Vera Files, i-fact check na rin nila ang PNP para malaman kung talaga bang mandaraya sa numero si Robredo o hindi.

Nitong nakalipas na Linggo, muling nabuko na dinagdagan ang bilang ng mga dumadalo sa concert rally ni Robredo dahil matapos silang magyabang na umabot sa 420,000 ang dumating sa kanilang Pasay event, nilinaw ng tanggapan ni NCRPO chief Maj. Gen. Felipe Natividad na umabot lamang ito sa 70,000.

Anang heneral, scientific ang ginawa nilang pagsukat at pagtantiya sa totoong bilang ng tao.

“‘Yung span ng area na kinoordinate nila sinubdivide na natin ‘yan by square meter ‘yung occupied ng tao, tapos we also observed kasi na people go there, siguro stay for a while and then they will leave hindi talaga ‘yung consistent na they’re staying there,” sabi pa ng heneral.

Ang pandarayang ito ng kampo ni Robredo sa bawat crowd estimate ng ginagawa nilang rally ay hindi lamang ngayon nangyari.

Ginawa rin nila ito sa rally nila sa Pampanga, Caloocan, Bacolod, Pasig, Cebu at marami pang iba.

“Gobyernong Tapat daw, angat buhay ang lahat. Paano kayo magiging gobyernong tapat, eh nuknukan kayo ng mga sinungaling,” sabi pa ni Gadon.

“Hindi ba mahilig kayong mag-fact check, Rappler at Vera Files? I-fact check n’yo ngayon ang PNP para mapahiya kayo nang husto!” dagdag pa ni Gadon.

Ang Rappler at Vera Files ang kinuha ring fact checker ng Facebook na iniisa-isa ring tinatanggal ang ilang FB account na bumabatikos kay Robredo.

“Tulong-tulong ang mga ito para ipanalo ang mandarayang si Robredo. Pero sa bandang huli, taumbayan pa rin ang magwawagi,” sabi pa ni Gadon na isa sa pambatong senatorial candidate ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.

164

Related posts

Leave a Comment