(NI BETH JULIAN)
HINDI iniaalis ni dating presdiential spokesperson Atty. Harry Rogue ang posibilidad na bumalik ito sa gobyerno kasunod ng pag atras sa kandidatura bilang senador sa May 2019 elections.
Biyernes ng hapon ay tinanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of withdrawal ni Roque bilang senador sa ilalim ng PDP- Laban na pinamumunuan ni Pangulomg Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque, hindi naman imposible na bumalik ito sa panunungkulan sa gobyerno pero kailangan munang unahin nito ang pangangailangan ng kanyang kalusugan.
“Pangalawang buhay ko kasi ito, kaya in the meantime need ko muna raw magpahinga for 2 months sabi ng doktor.. and then less stress daw po. It is with a truly heavy heart that I announce the withdrawal of my senatorial bid,” ani Roque.
Binigyan-diin ni Roque na ang kanyang pasya ay isa sa pinakamabigat na desisyon sa kanyang buhay kasama ang pamilya dahil handang handa na siyang sumabak sa Senado pero hindi niya inaasahang daratig ang nasabing sitwasyon.
“Whatever they may think of my politics, those who have seen my work in both the public and private sector can attest to what I would have brought to the Senate. Unfortunately, for the moment, it seems that God has other plans,” ayon pa kay Roque.
Sa pagbabalik ni Roque sa gobyerno, sinabi nito na tanging ang Pangulo lamang ang makasasagot nito at kanya naman itong pag iisipan kung ano ang pasya nito.
Gayunman, umaasa si Roque na darating din ang tamang panahon na makapaglilingkod siya sa sambayanan bilang mambabatas o sa kung anuman ang kapasidad mayroon siya.
“It is my sincere hope that I will someday again have the honor to serve the Filipino people as a legislator, or in whatever other capacity I may be of service. I continue to support our President and this administration and wish only the best for our country. God bless us all! ,” pagtatapos pa ni Roque.
112