HAZE NG INDONESIA UMABOT NA SA METRO CEBU

(NI DAHLIA S. ANIN)

UMABOT na sa Metro Cebu ang haze mula sa Indoneia forest fire, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Metro Cebu is currently experiencing hazy weather condition caused by the forest fire in Indonesia and enhanced by hanging habagat,” ayon sa advisory na inilabas ng DENR- Environment and Management Bureau sa Central Visayas.

“As of 8 am today, real time monitoring data for PM 2.5 showed a reading of 56 micrograms per normal cubic meter which is above the safe guideline value of  50 microgram per normal cubic meter,” dagdag pa ng DENR.

Ang air pollution mula sa haze ay nakakasama sa kalusugan na maaring magdulot ng respiratory tract infection at cardiac ailments.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at magsuot ng protective mask or eye goggles bilang proteksiyon sa air pollutants.

Pinapayuhan din ang publiko na hanggat maaari ay huwag nang lumabas ng bahay at panatilihing nakasara ang kanilang mga bintana.

Nauna nang nai-report na umabot na ang haze mula sa Indonesia forest fire sa Tawi-tawi, Palawan, at Koronadal City sa Cotabato.

174

Related posts

Leave a Comment