HERITAGE BRIDGE SA QUEZON SINIRA

INIIMBESTIGAHAN na ng mga awtoridad ang natuklasang paninira sa heritage bridge sa Quezon province.

Lunes ng umaga nang matuklasan ng mga awtoridad ang pagsira sa ilang bahagi ng Malagonlong bridge na nasa Dumacaa river sa Barangay Mateuna at Lakawan sa Tayabas City.

Sa Facebook post ng Cultural Heritage Preservation Office ng Tayabas City, makikita na tinibag ng mga salarin ang ilang pader na nagsisilbing railings nito ganoon din ang ilang poste.

Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang may kagagawan ng pagsira sa makasaysayang tulay.

Ang Malagonlong bridge na gawa sa adobe stone, limestone at molasses at itinayo ng mga kastila noong 1840 hanggang 1850 ay itinuturing na isa sa pinakamahaba at pinakamatandang tulay na naitayo sa Pilipinas noong Spanish era.

Noong August 12, 2011, idineklara ito ng National Historical Institute na ngayon ay National Historical Commission of the Philippines na isang historical structure at nilagyan ng historical marker.

Ginawa na ngayon itong tourist attraction at hindi na ginagamit sa trapiko mula nang maitayo ang bagong tulay na kahilera nito. (NILOU DEL CARMEN)

246

Related posts

Leave a Comment