HIGIT 300 INMATES SA GCTA SUMUKO

(NI ROSE PULGAR)

AABOT na sa 323 inmates ang boluntaryong sumuko sa mga police station sa Metro Manila at sa mga lalawigan na nakalaya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law at  nakabalik na sa mga piitan.

Base sa report ni Senior Inspector Sonny Del Rosario, tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor), sa kanilang tala ngayon ay nasa 323 heinous crime convicts na nakalaya sa pamamagitan ng GCTA law ang sumuko na sa loob ng dalawang linggo.

Nabatid, na mahigit sa 2,000 heinous crime convicts ang nakinabang at napalaya sa GCTA simula nitong taon 2014.

Napag-alaman na ang may pinakamarami aniyang surrendered  convicts  ay sa Mimaropa, na nasa 48, sinundan ng  Cagayan Valley, na nasa 35 at 29 sa Central Visayas, base ito sa record ng pulisya.

Base pa sa kanilang rekord ang 101 bilanggo na napalaya sa GCTA law ay pawang convicted sa kasong murder, 95 rape at 29  sa robbery with homicide.

Sa implimentasyon at bisa ng Republic Act 10592 ay tumaas ang bilang ng mga bilanggong napalaya sa pamamagitan ng GCTA, na ang karamihan dito ay convicted sa heinous crime.

Ngunit naging kontrobersiyal ito dahil na rin sa impormasyong makakalaya na aniya ang dating alkalde na Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez, convicted sa pagpatay at panggagahasa sa dalawang estudyante ng UP Los Banos.

Matapos ulanin ng batikos ang BuCor, binawi ang nakatakda sanang pagpapalaya kay Sanchez.

Nauna nang nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na sa loob ng 15-araw ay kinakailangan sumuko ang lahat ng napalaya sa GCTA law hanggang Setyembre 19.

Sinabi pa ni Del Rosario inaasahang madaragdagan ang nasabing bilang dahil halos araw -araw ay may mga lumalapit sa mga police station para sumuko.

467

Related posts

Leave a Comment