HIGIT 5-K SLOTS BINUKSAN NG PHIL ARMY

ARMY12

NAGBUKAS ang Philippine Army ng 5,387 slots para sa gustong pumasok dito.

Sinabi ni Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala na sa kabuuang slots, aabot sa 4,777 ang inilaan sa enlisted personnel  habang ang 610 umano ay mga opisyal na magtatapos sa Philippine Military Academy.

Ang mga aplikanteng matatanggap sa ranggong private ay magkakaroon ng P41,000 monthly basic pay at allowance.

Ang mga recruits ay dapat na naturally born Filipino na nasa pagitan ng 18 hanggang 23 ang edad at graduate ng high school o nakakumpleto ng kahit 72 units sa college, at may height na 5’ pataas. Maaaring bisitahin ang kanilang website para sa karagdagang detalye.

112

Related posts

Leave a Comment