LIBRENG ROSAS AT LIBRO SA APRIL 27

libro12

(NI MAC CABREROS)

LIBRENG rosas at libro ang ipamimigay sa Dia del Libro (International Book Day) sa Abril 27.

Sa abiso ng Instituto Cervantes, ang cultural arm ng Embahada ng Spain sa Pilipinas, iba’t ibang programa ang nakalinya mula umaga hanggang gabi sa Ayala Triangle sa Makati City.

Mayroon ding hilera ng mga libro na ibebenta sa mas murang halaga kung saan bibigyan ng rosas ang bibili, ayon Instituto Cervantes.

Bibigyan din ng rosas ang lalahok sa pagbasa sa Mi Ultimo Adios ni Gat Jose Rizal, pagtuturo ng Spanish, pagkopya at pagsulat sa pamamagitan ng kamay sa Don Quixote de La Mancha  ni Miguel de Cervantes, storytelling, drawing at palaro.

Sa gabi, iba’t ibang musika ng mga Pinoy at Espanyol ang mapakinggan sa concert na Posporos.

Ang Dia del Libro ay unang itinaguyod sa Pilipinas noong 2006 bilang pagdiriwang sa St. George’s Day (April 23) saan nagpapalitan ng rosas at libro ang mga kababaihan at kalalakihan gayundin bilang pagpupugay sa batikang at pamosong manunulat na sina

Miguel de Cervantes at William Shakespeare na kapwa yumao noong Abril 23, 1616. Idineklara rin ng NCCA na National Literature Month ang buwan ng Abril bilang pagpupugay kay Francisco Balagtas.

 

249

Related posts

Leave a Comment