HIGIT P200-M PINSALA NG LINDOL – DPWH

pampanga1

(Ni FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa pagyanig ng magnitude 6.3 na lindol ay tinatayang aabot sa mahigit P200 milyon ang pinsalang iniwan sa mga kalsada, tulay, dike at gusali sa lalawigan ng Pampanga at Metro Manila.

Ayon kay Secetary  Mark Villar ng Department of Public Works and Highway (DPWH), kabilang sa mga napinsala ang Consuelo Bridge sa Floridablanca na hindi pa maaaring daanan habang bahagyang nasira rin ang Mancatin Bridge, Valdez Bridge at San Pedro Bridge subalit passable na.

Sira din ang portion ng kalsada  Sasmuan-Lubao Road, Mega dike sa Bacolor habang gumuho naman ang arko sa Dinulpian, Pampanga.

Maging ang Emilio Aguinaldo College (EAC) ay hindi nakaligtas matapos bumigay pader sa kabilang gusali.

 

120

Related posts

Leave a Comment