HIGIT P760-M ARMAS BIBILHIN NG PNP SA ISRAEL

TINATAYA sa 25,120 bagong units ng dekalidad na baril ang nakatakdang bilhin ng Philippine National Police (PNP) sa bansang Israel.

Kabilang umano sa bibilhin ang mga 5.56-mm basic assault rifle sa pamamagitan ng government-to-government agreement sa pagitan ng PNP bids and awards committee at ng Israel Ministry of Defense.

Nasa P762 milyon ang halaga ng armas, ayon pa sa PNP.

Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa, matibay at dekalidad ang mga bibilhing armas, at nakatipid pa ang pamahalaan ng P41,000 bawat rifle.

Dagdag pa niya, pinili nila ang government-to-government transaction para umano ‘transparent’ at iwas sa korapsyon.

 

215

Related posts

Leave a Comment