HIGIT SA 5-K NAPATAY SA ANTI-DRUG CAMPAIGN

anti23

(NI JG TUMBADO)

NASA kabuuang 5,176 na ang bilang ng mga napapaslang simula nang mag umpisa ang anti-drug campaign ng administrasyong Duterte.

Sa joint press briefing ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasabing bilang ay mula July 1, 2016 hanggang Jan. 31, 2019.

Nasa 170,689 ang bilang naman ng mga naaarestong drug suspect sa ikinasang 119,841 na anti-illegal drugs operations sa buong kapuluan.

Sa nasabing bilang mayroong naarestong 263 na elected officials, 295 na empleyado ng gobyerno, at 69 na uniformed personnel.

Samantala, ang mga nakumpiskang illegal na droga naman ay umabot na sa P19.14 billion ang halaga.
Mayroon namang 301 na mga drug den at clandestine laboratories na na-dismantle na ng PDEA at PNP.
Nasa 11, 080 na barangay na ang maituturing na malaya sa anumang ilegal na droga.

239

Related posts

Leave a Comment