HILING NA DEBATE NG OTSO DIRETSO IBINASURA

comelec

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng oposisyon  na  official debate para

sa senatorial candidates na tumatakbo sa 2019 midterm elections.

Inilabas ng komisyon ang desisyon isang linggo matapos magpetisyon ang ilang Otso Diretso bets na humihiling sa poll body na maglabas ng batas at magsagawa ng public debates.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang pagbasura ay ibinase sa tatlong kasagutan: na ang pagsunod sa kahilingan ng Otso Diretso ay nangangahulugan lamang ng pagkiling sa ilang senatorial candidates o slates; imposible rin umanong maisakatuparan ito dahil magastos na magsagawa ng debate sa 62 kandidato ng walang magrereklamo sa pagtrato sa mga partido at kapos na umano sa panahon dahil dalawang buwan na lamang ang itatagal ng kampanya.

Nauna nang inakusahan ng oposisyon na ang pagtanggi ng Comelec sa pagpapalabs ng batas sa public debate ay senyales ng kahinaan.

272

Related posts

Leave a Comment