HILING SA NEGOSYANTE SA LABOR DAY: 14TH MONTH ‘REGALO’ SA WORKERS

rallylabor day12

(NI ABBY MENDOZA)

IMBES na papuri sa mga manggagawa ang matanggap sa Labor Day,nais ng isang mambabatas na maglaan ng pinansyal na insentibo ang mga employers.

Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo ang pinakamagandang regalo para sa mga manggagawa ay ang pag-angat ng kanilang kabuhayan at kanya umanong isinusulong ang pagkakaroon ng 14th month pay ng mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor.

Ani Salo, hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng ilang negosyante na hindi nila kayang ibigay ang 14th month pay lalo at nakikita naman na maraming negosyo ang kumikita, patunay umano dito ang naitatalang economic growth sa halos lahat ng rehiyon sa bansa simula noong 2016.

Giit ng mambabatas, kailangan ng pamilyang Pilipino ang 14th month pay bilang extra cash sa panahon ng enrolment mula Mayo hanggang Agosto.

111

Related posts

Leave a Comment