HIRIT NG TELECOM COMPANY VS MISLATEL BINIGO NG CA

court of appeals12

(NI TERESA TAVARES)

BIGO ang isang telecom company sa hirit nito sa Court of Appeals (CA) na mapatigil ang bidding process at awarding sa Mislatel Consortium bilang ikatlong telco player sa bansa.

Sa apat na pahinang resolusyon ng CA Special Eleventh Division, walang merito ang petisyon ng Now Telecom Company na nagnanais na magpalabas ang korte ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction laban sa bidding at awarding ng pamahalaan sa bagong telco player.

Una nang dumulog sa CA ang naturang kompanya matapos i-dismiss ng Manila RTC Branch 42 noong November 2018 ang hiling din nila na TRO laban sa bidding at awarding sa ikatlong telco player.

Inakusahan ng Now Telecom si Branch 42 Judge Dinnah Aguila-Topacio na umabuso sa kapangyarihan nang hindi paboran ang hirit nila na TRO at injunction.

Ayon sa CA walang merito ang petisyon ng Now Telecom at walang basehan ang alegasyon na magdudulot ng grave at irreparable injury sa panig ng telco firm sa sandaling hindi ipatigil ang bidding at awarding sa third major telco player.

162

Related posts

Leave a Comment