MPD OFFICIAL INIREKLAMO NG PANANAKIT SA TRASLACION

police

INIREKLAMO ng tatlong tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang umano’y pananakit sa kanila ni C/Insp. Alden Panganiban, deputy station commander ng MPD station 11.

Sinabi ng mga nagrereklamo, ng Regional Personnel Holding and Accounting Unit at Regional Support Unit,  na hindi umano nagkaroon ng pagkakaintindihan ang kanilang grupo at ni Panganiban, sa pagpapatupad ng kaayusan sa Traslacion ng Poong Nazareno.

Sinabing hindi umano nasunod ng ilang pulis ang utos ni Panganiban kaya’t kumuha ito ng kahoy at pinagpapalo ang mga naka-deploy na tauhan.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Panganiban.

26

Related posts

Leave a Comment