HOUSE PROBE SA EJK SA DRUG WAR GUGULONG SA MIYERKOLES

SISIMULAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang imbestigasyon sa extra-judicial killings (EJK) sa kasagsagan ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inanunsyo ni House committee on human rights chairman Rep. Bienvenido Abante Jr., na siyang mangunguna sa imbestigasyon sa press conference kahapon sa Kamara matapos ang inisyal na briefing na ginawa ng kanyang komite kaugnay ng usapin.

“By Wenesday sisimulan na ang investigation on this matter,” ani Abante kung saan ipatatawag umano ng mga ito si dating Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde at dating Justice Secretary Menardo Guevarra.

Gustuhin man umano na ipatawag si dating PNP Chief Ronald Bato dela Rosa na unang nagpatupad ng Oplan Tokhang ay hindi nila ito gagawin bilang paggalang sa parliamentary courtesy dahil isa na itong senador.

Wala ring plano si Abante na ipatawag si Duterte.

“Kasi napakarami pang tanong ang ating mga kababayan. Until such time our people actually questioning this human rights issue we cannot just be quiet about it. We must do our job in really determining ang mga accusation tungkol dito,”ani Abante nang tanungin kung bakit ngayon lang mag-iimbestiga ang Kamara sa EJK.

“Hanggang ngayon nasa media pa rin ang imbestigasyon ng ICC (International Criminal Court), nandyan pa rin ang binabanggit ng ating mga national union of lawyers for example. So hindi matatapos ito until such time Congress investigate it in aid of legislation,” dagdag pa ni Abante.

Sinabi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na isa sa mga layon ng imbestigasyon ay alamin kung pinairal sa bansa ang due process lalo na noong kasagsagan ng war on drugs kung saan halos 7,000 umano ang napatay sa pulis operations subalit kung ang human rights groups ang tatanungin, aabot ito sa 30,000 katao.

Magugunita na laging idinadahilan ng mga pulis na nanlaban ang mga biktima kaya napatay habang ang karamihan ay pinatay ng riding in tandem at iba ay sinalvage at nilagyan ng placard na ito ay adik at huwag tularan. (BERNARD TAGUINOD)

21

Related posts

Leave a Comment