HULING BATCH NG SOURCE CODES NG COMELEC IDINEPOSITO SA BSP

COMELEC-5

(NI MINA DIAZ)

IDINEPOSITO ng Commission on Elections (Comelec) ang huling batch ng mga source code para sa Mayo 13 automated midterm elections, sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pag-iingat.

Ang mga source code ay para sa muling pagtatatag ng imahe ng OS para sa consolidation and canvassing system na gagamitin sa bagong biniling mga laptop at printer, Smartmatic code para sa mga routers ng paghahatid, at DNS o domain name servers para sa mabilis na paghahatid ng mga resulta.

Ang source codes, na inilagay sa mga indibidwal na sobre, ay nakuha mula sa vault ng Information Technology Department ng Comelec.

Ang mga ito ay nasa isang kahon na nakakandado at nakatago na may selyo ng Comelec na nilagdaan ni  Comelec Executive Director Jose Tolentino.

Sinabi ni Tolentino na ang mga source code ay sinuri at sinertipikahan ng internasyonal na kumpanya, at ni-review rin ng mga tagasuri ng local source code.

Ang mga source code ay ikakandado sa loob ng BSP vault, kasama ang mga source code na ginamit sa mga nakaraang halalan.

Kinakailangan aniya ito sa RA 9369 na ang lahat ng codes, source codes ay dapat ilagak sa escrow ng  Bangko Sentral.

Ang Comelec ay nagbabayad ng P2,700 kada buwan bilang renta sa espasyo ng BSP.

435

Related posts

Leave a Comment