MATAAS NA CREDIT RATING NG PINAS IKINATUWA NG  PALASYO

credirating up12

(NI BETH JULIAN)

IKINATUWA ng Malacanang ang BBB+ rating na nakuha ng Pilipinas batay sa report na inilabas na report ng debt watchers ng Standard & Poor’s Global Rating.

Sinasabing ito ang pinakamataas na credit rating upgrade sa kasaysayan ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang mataas na credit rating na nakuha ng bansa ay resulta ng pagsisikap ng economic managers ng administrasyong Duterte at pakikipagtulungan ng Kongreso upang mapalakas ang domestic economy.

Ilan lamang sa mga ipinatupad na reporma ay ang pagbabago sa sistema ng pagbubuwis, pagpapalakas sa charter ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sistema ng pagpapatakbo ng negosyo,  kabi-kabilang proyektong pang-imprastraktura at iba pa.

Sa gitna ng triple B+ rating sa upgrade na nakuha ng Pilipinas, nangangahulugan umano na malapit na ring makamit ng bansa ang single A grade status ng bansa.

136

Related posts

Leave a Comment