HUSTISYA SA PAGPATAY KAY CONG. BATOCABE PINAMAMADALI NI SGMA

SGMA-6

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Inatasan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga law enforcement agencies sa bansa na madaliin ang paggawad ng hustisya sa pagpatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at ng kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz.

“I condemn in the strongest possible terms the killing of an ally and friend, Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe. Nothing can justify his murder and that of his aide,” ani Arroyo.

“I call on our law enforcement agencies to conduct a speedy and thorough investigation to bring all those behind this dastardly act to justice,” dagdag pa ng dating Pangulo.

Nagpaabot din si Arroyo ng pakikiramay sa pamilya ni Batocabe at sa kanyang mga constituent na pinagsilbihin nito sa nakaraang halos 9 na taon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Si Batocabe at ng kanyang escort na si Diaz ay pinagbabaril habang papaalis na ito sa gift-giving event sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay kung saan 8 bala umano ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mambabatas.

Itinakbo pa ito sa hospital subalit dead-on-arrival na ito dahil sa dami ng balang tumama sa kanya.

Si Batocabe ay nasa huling termino na bilang kinatawan ng nasabing party-list group sa Kamara at tumatakbong Mayor ng Daraga, Albay sa susunod na taon.

109

Related posts

Leave a Comment