(NI BETH JULIAN)
RUMESBAK ang Malacanang kasunod ng hakbangin ng Iceland o paghahain nito ng draft resolution para hilingin sa United Nations of Human Rights Council (UNHRC) na aksyunan ang umano’y marahas na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga.
Iginiit ni Presidential Communication Operations Officer (PCOO) Secretary Martin Andanar na walang moral ascendancy ang Iceland para gawin ito.
Pinuna ni Andanar ang kawalan ng embahada ng Pilipinas sa Iceland na pwede sana nitong gawing kinatawan para makakalap ng mga impormasyon hinggil sa kanilang alegasyon.
Pero sa ngayon, sinabi ni Andanar na hindi maaaring masuportahan ng Iceland ang isinusulong nitong alegasyon laban sa war on drugs ng gobyerno dahil wala naman tanggapan ng Pilipinas sa kanilang lugar para malaman sana ang tunay na sitwasyon sa bansa.
Binigyan diin ni Andanar na gumagana ang legal institutions at umiiral ang respeto sa karapatan pantao rito sa Pilipinas kaya’t hindi patas ang hirit ng Iceland sa UNHRC.
Sa Biyernes malalaman ang resulta ng isinumiteng draft ng Iceland sa UNHRC.
Ayon kay Andanar, batay sa mga ulat na kanilang tinatanggap, marami sa 47 mga miyembro ng body ay hindi suportado ang draft proposal.
143