(NI BETH JULIAN)
MAY bago nang pinuno ang Social Security System (SSS) sa katauhan ni Aurora Cruz Ignacio, dating secretary sa Office of the President.
Si Ignacio ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang Marso.
Siya ang ikalawang babaeng naupo sa SSS kasunod ni Corazon dela Paz na nagsilbi sa ilalim ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Itinalaga ng Pangulo si Ignacio bilang focal person sa kampanya kontra ilegal na droga noong Hunyo 2017 at kamakailan ay naging miyembro ng Board of Directors ng Belle Corporation.
Pinalitan ni Ignacio sa puwesto ang nagbitiw na si Emmanuel Dooc. Nagbitiw si Dooc noong Marso matapos na maging epektibo ang bagong charter ng ahensya.
Nagtapos si Ignacio sa Centro Escolar University sa kursong Bachelor of Science, major in commerce, banking and finance.
207