ILANG KALSADA SA R. BLVD ISASARA SA RIZAL DAY

RIZAL

(NI RENE CRISOSTOMO)

BUKAS, Disyembre 30, araw ng paggunita sa ika-123 taong kamatayan ng bayaning si Dr.Jose Rizal ,magpapatupad ng road closure at traffic re -routing ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa Roxas Boulevard, Ermita,Manila.

Ito ang napag-alaman kay PLt.Col Carlo Magno Manuel, hepe ng Manila Police District-Public Information Office ,na magsisimulang isara simula 6 :00 ng umaga ang North at South bound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang T.M. Kalaw.

Lahat ng sasakyan ay dadaan sa southbound mula sa Delpan bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa P.Burgos kanan sa Ma.Orosa papunta sa destinasyon.

Ang mga trailer truck at iba pang heavy vehicle na magmumula sa Delpan bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa Padre Burgos diretso sa Finance Road-Ayala Boulevard kanan sa San Marcelino St., patungo sa destinasyon.

Nabatid na ang mga sasakyan naman na daraan sa Northbound ng Roxas Blvd ay dapat na kumanan sa T.M.Kalaw, kaliwa sa Ma.Orosa papunta sa destinasyon.

Lahat naman ng trailer truck na dadaan sa Roxas Blvd.mula P.Ocampo ay dapat kumanan sa President Quirino Avenue papunta sa destinasyon.

Samantala,lahat ng sasakyan na manggagaling sa Mc Arthur Bridge at sa tulay ng Jones at Quezon Blvd.bridge na dadaan sa Southbound lane ng Roxas Blvd mula sa P. Burgos , dapat na dumaan sa round table papunta sa Ma.Orosa o dumaan sa Taft Ave. papunta sa kanilang destinasyon.

396

Related posts

Leave a Comment