(NI BETH JULIAN)
MANANAGOT sa batas ang mga dayuhan partikular ang Chinese na ilegal na nagtatrabaho sa bansa. Ito ang mahigpit na babala ng Malacanang kasunod ng mga ulat na mas lamang ang mga Chinese na trabahador kaysa mga Fililipino na nagtatrabaho sa ilang kumpanya sa bansa partikular sa mga cnstruction firm.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, mahigopit na bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte mananatili ang polisiya na ipatupad ang Immigration law.
Pero, hindi naman maaaring ipa-deport agad ang mga Chinese national na nahuling ilegal na nagtatrabaho sa bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa pagdalo nito sa Binan City, Laguna, sinabi nito na dapat hayaan na lamang magtrabaho ang mga Chinese sa bansa.
Ayon sa Pangulo, may 300,000 Filipino sa China at nangangamba ito na baka maapektuhan ang mga ito kapag pinaalis sa bansa ang mga Chinese workers.
Sa datos ng Bureau of Immigration, sa loob lamang ng isang buwan, halos 200,000 mga dayuhan ang mga may permit para makapagtrabaho sa bansa at karamihan sa kanila ay pawang mga Chinese national.
133