ILLEGAL NA PAGPAPATAYO NG PALENGKE; MAYOR, VM, 10 PA KINASUHAN

ombudsman1

(NI ABBY MENDOZA)

LABINGDALAWANG opisyal ng Cauayan City, Isabela, sa pangunguna ng alkalde at bise alkalde nito ang kinasuhan sa Office of the Ombudsman ng kasong graft matapos itong pumasok sa isang kontrata na pagpapatayo ng public market sa isang pribadong lupa.

Kabilang sa kinasuhan sina Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy, and Vice Mayor Leoncio A. Dalin, Jr., City Councilors Edgar M. De Luna, Danilo B. Asirit, Marco Polo A. Meris, Salcedo T. Foronda, Garry G. Galutera, Reynaldo O. Uy, Edgardo A. Atienza, Jr., Bagnos A. Maximo, Victor H. Dy Jr., at  Caesar H. Dy Jr.

Ang mga opisyal ay ipinagharap ng kasong paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices, Conduct prejudicial to the best interest of the service, Conduct unbecoming of a Public Officer, Dishonesty, Grave Abuse of Authority at Grave Misconduct na pawang may docket Number OMB-L-C-18-0290 at OMB-L-A-18-0331.

Ang kaso laban sa mga opisyal ay nag-ugat sa inihaing reklamo ng isang Julio Maluyo na batay sa datos ng kaso, binigyan ng go signal ng mga local officials ang pagpapatayo ng Cauayan City Mega Market at ang kontrata ay ibinigay sa Ropali Group of Companies.

Sa kabila umano ito ng paghahabol ni Maluyo na siyang legal na may ari ng lupa kung saan balak itayo ang palengke.

Giit ng complainant, malinaw na land grabbing ang ginawa ng mga opisyal.

 

124

Related posts

Leave a Comment