IMPORTASYON NG ASUKAL MULING PINAKAKASA NI BBM

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang karagdagang importasyon ng asukal kasunod ng rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na i-stabilize ang presyo at palakasin ang stock ng bansa.

“We agreed to additional importation of sugar to stabilize the prices. Maximum amount will be 150,000 MT but probably less,” ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang SRA na pinangungunahan ni Acting Administrator Pablo Luis Azcona at Board Member Ma. Mitzi Mangwag, kinatawan ng millers.

Dumalo sa nasabing pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at SRA Board Secretary Rodney Rubrica.

“The exact amount will be determined once we have determined the exact amount of supply, which will come at the end of this month,” ayon kay Pangulong Marcos.

Winika pa ng Pangulo na binubuksan ng pamahalaan ang importasyon ng asukal sa lahat ng mangangalakal.

Ayon sa SRA forecast inventory, ang bansa ay magkakaroon ng “negative ending stock” na 552,835 MT sa pagtatapos ng Agosto 2023, pagtatapos ng milling season, at importasyon ng panibagong 100,000 MT hanggang 150,000 MT ng asukal ay mahalaga para maiwasan ang shortfall o ang pagkukulang.

Sinabi ni Azcona kay Pangulong Marcos na masaya ang sugar farmers sa pagpapalabas ng SO No. 6, dahil makikinabang ang mga ito mula sa “stable farmgate price” ng raw sugar, na may average na P62/kg para sa kasalukuyang CY. Mas mataas ito kumpara sa P38/kg average farmgate price sa CY 2021-2022.

Para mapahusay pa ang pagiging produktibo, sinabi ng Pangulo na inaprubahan din niya ang pagsisimula ng milling season mula Agosto hanggang Setyembre ngayong taon. (CHRISTIAN DALE)

167

Related posts

Leave a Comment