INTEL FUND NI VP SARA LALONG LOMOBO

LALONG lumaki ang intelligence at confidential funds na hahawakan ni Vice President Sara Duterte matapos siyang italaga bilang co-vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“As co-vice chair of the NTF-ELCAC and under the pretext of whole-of-nation approach and supposedly for peace and security, it is likely that she will have discretion on the confidential and intelligence funds of other agencies under the NTF-ELCAC,” pahayag ni House deputy minority leader France Castro.

Ngayong taon ay umaabot sa P650 million ang intelligence at confidential funds ni Duterte kung saan P500 million ang nakalagay sa Office of the Vice President habang ang P150 million ay sa Department of Education (DepEd) na pinamumunuan din nito.

Gayunpaman, hindi lang ito ang halagang gagamitin ni Duterte sa mga bagay na gusto nito dahil maging ang intelligence at confidential funds ng NFT-ELCAC ay mapapasakamay na rin umano ng bise presidente.

“Yan ang problema sa NTF-ELCAC at whole-of-nation approach, magagamit talaga ang buwis ng taumbayan sa mga ‘di magandang gawain na walang ideya ang mamamayan for what, how, when, who and where exactly,” ani Castro.

Bukod sa intelligence at confidential fund ay magkakaroon din aniya ng diskresyon si Duterte sa P6.3 billion pondo ng NTF-ELCAC na ang misyon ay tapusin ang rebelyon sa bansa na gawa umano ng komunistang grupo.

Subalit kuwestiyonable para sa grupo ni Castro ang NTF-ELCAC dahil mula nang itatag ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay lumala ang red-tagging sa mga kritiko ng gobyerno.

“Mamamalayan mo na lang mataas na ang incidences ng red-tagging and all its companion human rights violations like extra-judicial killings, enforced disappearances and harassment of critics,” dagdag pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

136

Related posts

Leave a Comment