‘INT’L AGENCY KAILANGAN SA ACIERTO EXPOSE’

alejano acierto 1

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAILANGAN na ang isang international agency na mag-iimbestiga sa expose ni dating police gen. Eduardo Acierto kung saan ibinunyag nito na ang economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang ay isang drug lord.

Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang nasabing mungkahi matapos maalarma sa rebelasyon ni Acierto, na hindi inaksyunan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at maging ng Malacanang ang kanyang report na umano’y nagsasangkot kina Yang at Allan Lim sa ilegal drug trade sa bansa.

Sa intelligence report na sinasabi ni Acierto, ni-raid ang drug laboratory umano ni Yang sa Davao noong 2003 habang noong 2003 naman sinalakay ang laboratoryo umano ni Lim sa Cavite City at mayroon umanong matibay na ebidensya na nag-uugnay sa mga ito sa ilegal drug trade sa bansa.

“Nakapagtataka na ang Pangulo na sinasabing galit na galit sa droga ay nakikitang may kaibigang mga druglords na inilagay sa gobyerno. Michael Yang, a Chinese national, was even appointed as economic adviser of the President. This is a glaring irony,” ani Alejano.

Kahit minsan umano ay hindi nagwala si Duterte kapag nakakakumpiska ang mga otoridad ng bilyon-bilyong halaga ng droga at wala rin umano itong kautusan na hantingin ang mga nag-aangkat ng ilegal na droga.

Taliwas aniya ito sa kaso ng mga mahihirap na Filipino na biktima ng ilegal na droga dahil kahit suspetsa pa lamang ay pinapatay na ang mga ito kaya mula noong 2016 ay libu-libo na ang napapatay.

“Ganito ang Oplan Tokhang ng Administrasyong Duterte. Pinapapatay ang mga mahihirap na small-time drug addicts at pushers pero kinakaibigan at pinoprotektahan naman ang mga napatunayang druglords,” ayon pa sa mambabatas.

163

Related posts

Leave a Comment