(NI KIKO CUETO)
NANAWAGAN ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Iranian beauty queen na mahigit isang linggo nang nakapiit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na nagsasabing gusto na niyang makauwi sa kanilang bansa.
Hawak ng Naia si Bahareh Zare Bahari base sa red notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa kasong assault mula sa kapwa Iranian.
“I want to go home. I need to go out because I don’t have any crime in the Philippines or Iran,” sinabi niya sa kanyang live na Facebook video.
“President Duterte, come here and watch why Interpol stop me here,” dagdag nito.
Sa kabila ng kanyang dinanas, nagpasalamat si Amid sa kanyang mga kaibigan at Pinoy fans.
“I know [the] Philippine government will find [the] truth about Interpol issues soon and will support me to help me,” sinabi naman nito sa kanyang Facebook post.
Si Bahari ang representative ng Iran sa Miss Intercontinental 2018 pageant sa Manila. Dumating siya sa bansa mula sa Dubai noong Oct. 17.
Sinabi naman ni Undersecretary Markk Perete, tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ), na naghain na ng aplikasyon para sa asylum nito sa Pilipinas.
“She won’t be sent back just yet and not until her application for asylum is resolved. [The] BI [Bureau of Immigration] may have set her return for Iran before she filed her asylum application,” sinabi ni Perete.
212