ISA PA SUSPECT SA BATOCABE MURDER SUMUKO

pnp

ISA pang suspect sa pagpaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang sumuko sa pulisya Biyernes ng hapon.

Si Jauwin Babor, alias ‘Jie’ ay nasa pangangalaga na ng intelligence group ng Philippine National Police headquarrers sa Camp Crame, Quezon City, ayon kay PNP chief Director General Oscar Alabayalde sa press briefing sa Camarines Sur.

Sinasabing si Babor ang driver ng getaway na motorsiklong ginamit matapos mapatay si Batocabe at security aide na si SPO1 Orlando Diaz noong December 22.

Si Babor aynagtano umano sa Metro Manila matapos isagawa ang pagpaslang, ayon pa kay Albayalde.

Dalawa pang suspect sa krimen ang pinaghahanap pa rin ng pulisya.

Una na ring sumuko ang main gunman na si Henry Yuson.

24

Related posts

Leave a Comment