(NI BETH JULIAN)
SI Chinese President Xi Jinping lamang ang maaring magbukas ng talakayan kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ito ang paglilinaw ng Malacanang sa katwirang legal ang online gaming operations sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nasa pagpapasya na ni Xi ang nasabing isyu dahil iligal sa China ang pagsusugal kung saan hinahabol ang mga operator.
Matatandaan na nagpahayag si Xi ng pagkabahala na mauwi sa money laundering ang operasyon ng POGO hub sa Pilipinas.
“Siguro ang magbubukas sa usapin na iyan baka si President Xi na at hindi tayo, kasi as far as we’re concerned, the online gaming operation is legal in this country. Eh sila as far as they’re concerned, illegal yun, so they’re running after the operators. Kasi daw yung mga online gaming operations, ang talagang target yung mga Chinese nationals, at the same time baka daw nila-laundry yung pera. Kaya very concerned sila dun,” paliwanag ni Panelo.
Ngayon, Agosto 28 ay magkakaroon ng bilateral talks sa Beijing, China sina Pangulong Duterte at Xi kung saan mananatali ng limang araw doon ang Pangulo.
385