(NI BETH JULIAN)
ITINUTURING ng Pilipinas ang Japan bilang isa sa pinakamalaking contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, hindi maitatanggi na malaki ang naiambag ng bansang Japan sa pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Laurel, malaki ang nagawa o magagawa pa rin hanggang ngayon ng Japan sa Build Build Build Program ng administrasyon.
Pahayag ni Laurel, hindi biro ang ibinubuhos na resources ng Japan sa mga infrastructure project sa ilalim ng BBB program partikular na sa pagpopondo ngayon ng mga itinatayong mga railway system kasama na ang subway bukod pa rito ang 17 joint ventures.
Dagdag pa ni Laurel, ang mga ito ay nakatakdang lagdaan anumang oras o araw.
Aniya, kung ilalarawan ang relasyon ng Pilipinas sa Japan, itinuturing ng bansa na pinakamahalagang partner ang Japan sa alin mang bansa sa buong mundo.
294