JOINT ACCOUNT NINA ROQUE, DELA SERNA INURIRAT SA KAMARA

NAINTRIGA ang mga mambabatas sa Kamara sa joint account nina Atty. Harry Roque at kanyang executive assistant noong nasa Palasyo pa ito dahil mag-asawa o magkarelasyon lamang ang gumagawa nito.

Unang inusisa ni Laguna Rep. Dan Fernandez sa ikaapat na pagdinig ng quad committee ang bank statement ni Dela Serna na nakumpiska ng Presidential Anti-Organize Crime Commission (PAOCC) nang salakayin ng mga ito ang Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Inamin ito ni Dela Serna at nang tanungin ni Fernandez kung ilan kanyang ang bank account ay sinabi nito na meron siyang isang personal account at joint account kasama ang kanyang boss na si Roque.

“Magkano naman ang kino-contribute mo, o kinontribute mo initially doon sa joint account ninyo?,” tanong ni Antipolo Rep. Romeo Acop kay Dela Serna na sinagot nito ng “Wala po akong kino-contribute po doon”.

Inamin din ni Dela Serna na nakakapag-withdraw ito sa kanilang account ni Roque kung saan base umano sa kanyang pagkakaalala, umaabot sa P1.2 hanggang P1.8 million ang inilabas niyang halaga lalo na noong panahon ng eleksyon kung saan tumakbo bilang senador ang kanyang boss at natalo.

Samantala, ibinasura ng komite ang motion to quash na inihain ni Roque para pigilan ang Kamara na imbestigahan ang kanyang mga business interest. (BERNARD TAGUINOD)

30

Related posts

Leave a Comment