JOINT MILITARY PATROL SA WEST PHL SEA IPAUUBAYA SA DND

west phl sea12

(NI BETH JULIAN)

IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa Department of National Defense (DND) ang rekomendasyon na magkaroon ng joint military patrol sa West Philippine Sea.

Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng mungkahi ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na magsama-sama ang mga awtoridad ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at iba pang claimants para hindi na maulit ang vessel collision sa Recto Bank sa WPS.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, mas alam ng Defense Department kung ano ang mabuting hakbang para rito.

Nanindigan din si Panelo na hindi isusuko ng gobyerno ang kasarinlan ng Pilipinas sa kahit na anong bansa.

Una na ring inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inaalam na nila ang kumpletong ulat para malaman kung paanong nangyari at nabangga ang fishing boat ng mga Pinoy fishermen.

Sinasabing common fishing ground ang Recto Bank sa WPS  kung saan bukod sa China ay nangingisda rin doon ang Vietnam, Taiwan at Japan.

Gayunman hindi pa rin dapat binangga ang bangka at iniwang palutang-lutang sa karagatan ang mga mangingisdang Pinoy.

 

208

Related posts

Leave a Comment