JOMA: KONDISYON NI DU30 SA PEACE TALKS KALOKOHAN!

joma12

(NI JUN V. TRINIDAD)

“KALOKOHAN” na parang “payaso” ang hinihinging kondisyones ni Pangulong Duterte para muli niyang buksan ang usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gubyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ang sagot ni Jose Maria “Joma” Sison, Communist Party of the Philippines (CPP) founder, sa pahayag ni Duterte na pahihintulutan niya ang muling paghaharap ng mga kinatawan ng pamahalaan at mga rebelde kung magbababa ng armas ang mga komunistang gerilya at ititigil ang pangongolekta ng tinatawag na “revolutionary tax”.

Muling ipinahayag ng Pangulo ang kanyang mga kondisyones sa talumpati niya sa campaign ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Cauyan City, Isabela nitong Miyerkoles.

Ang pahayag naman ni Sison ay ipinadala niya mula sa kanyang base sa Utrecht, The Netherlands.

Ani Sison, para umanong naloloko or nagbibirong parang payaso si Pangulong Duterte sa paulit-ulit niyang pagpapahayag ng mga nasabing kundisyones sa pagbabalik ng peace negotiation.

Sa prediksyon ni Sison ay ibabasura ng CPP-NPA ang muling inulit na kondisyunes ng Pangulo.

Ani Sison sa kanyang prediksyon ay lalong paiigtingin ng mga komunistang rebelde ang pakikibaka “sa halip na isuko nila ang sarili sa kalokohan at nakakainsultong kondisyones”.

Sa pagpasok ng administrasyon ni Duterte, nagkaroon ng pagkakataong magwakas na ang limang dekadang rebelyon ng mga komunista sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.

Ngunit pagkalipas ng apat na beses na paghaharap sa Oslo, Norway, biglang pinutol ni Pangulong Duterte ang peace negotiation noong Nobyembre 2107 pagkatapos niyang ilabas ang Proclamation 360 na pormal na nagwawakas sa usapan.

Binatikos ng Pangulo ang patuloy na pagatake ng NPA sa tropa ng pamahalaan kahit na may isinagawa noon na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang magkalabang panig.

 

 

 

 

CHIKABOOOM NI PETER LEDESMA

 

(NI PETER LEDESMA)

 

 

MAJA NAG-REGALO NG HOME THEATER SET SA GWAPONG HUNK

 

KAHIT pa sabihing may issue na namamagitan  sa gitna ng mag-pinsang Maja Salvador at Deborah Sun (na naganap noong 2011 sa wake ng father ni Maja na si Ross Rival, kung saan sinabi ni Deborah na lantaran siyang inisnab ni Maja. At sa bugso ng damdamin nasabi nito na plastik daw at peke ang Kapamilya actress-dancer).
Hindi naman siguro ito dahilan para tuluyan na nitong tiisin ang kaanak na veteran actress.
Sa amin lang ay parang ang pangit lang tingnan.
Sila ni Aiko Melendez (half-sister ng anak ni Deborah kay Jimi Melendez) ay kinakabog pa ni Ara Mina  sa pagtulong kay Deborah at sa anak nitong biktima ng droga na si Jam Melendez (na nakakulong hanggang ngayon).
Imagine, hindi sila magkadugo ni Ara.
Nagkasama lang sa isang teleserye sa GMA-7. Inabot na ng three years ang pagpapatira ng libre ng dating sexy actress sa bahay niya sa Quezon City.
At inaabutan  pa niya ng pera si Gigi (palayaw ni Deborah) para madalaw sa kulungan si Jam. At  ang da height na part ay ‘yung ibinulong sa amin ng dating staff  ng tindahan ng home theater sa Edsa Shangri-la Mall.
Nag-shopping  sa kanila si Maja ng home theater set na ipina-deliver ng actress.
Nang nai-deliver na nila ‘yung items ay hindi raw bahay ni Maja ‘yong hinatiran.
Hunk at guwaping ang nag-receive ng delivery.
Malay ko ba kung may pahulugang negosyo si Maja.
O sobrang may utang na loob siya  sa hunky handsome boylet.
Asiwa lang kami dahil hindi totoo kay Maja ang kasabihang “blood is thicker than water”.

MYRTLE MAY KISSING SCENE KAY TEDDY

Kamuntik na pa lang hindi matuloy  si Myrtle Sarrosa bilang leading-lady ni Teddy Corpuz sa “Papa Pogi,” na launching movie ng bokalista ng Rocksteddy.
Kinontra-abiso na kasi si Myrtle.
Hindi na siya tuloy sa movie. Nagulat na lang  siya nang biglang tawagan isiya sang araw ng production para sabihing siya na uli ang makakatambal ni Teddy.
Kaya laking pasasalamat ni Myrtle kina Mother Lily at Maam Roselle Monteverde sa bagong proyekto na ipinagkaloob sa kanya ng mag-ina at sobra raw niyang inenjoy ang shooting nila. Always riot sa set.
Wow, may kissing scene sila ni Teddy dito sa Papa Pogi na showing in Cinemas nationwide this March 20.
May red carpet premiere sa March 18 and we heard maraming inimbita si Teddy sa kanilang premiere night at wish ng komedyante na sana ay dumating lahat.
“Oo siyempre kasi first movie ko, tapos kumbaga magkakapatid kaming lahat.
Parang, ‘Uy! Magkakapatid tayong lahat dito. Sinuportahan ko kayo dati ah.’ Hindi naman ganoon kalaki ‘yung market ko sa social media pero sumuporta ako. Nandoon ako ng premiere night, red carpet, nanood pa ako ng isang beses uli,” parinig ni Teddy sa It’s Showtime co-hosts.
Tungkol sa halikan nila ni Myrtle, sa respeto niya sa kanyang misis ay ipinaalam pa raw ito ni Teddy. Mas maganda na raw ‘yung nagpapaalam siya para kapag napanood ng asawa niya ay wala ng magiging problema pa.
Samantala, aminado ang TV host-comedian na talagang may pressure sa kanya sa kalalabasan ng kanilang pelikula sa takilya.
“’Yung expecatations ko siguro, na kay Lord na lang ‘yon. Parang kung may maipagmamalaki ako, siguro ‘yung faith ko kay God, Make o break with this film, it will remain solid pa rin. Sinasabi ko ‘yun kay Empoy(Marquez)dati na lahat ay may perfect timing, kung ano ‘yung ibigay sa ‘yo ni Lord,” dagdag pang kuwento   ni Teddy .
Si Teddy rin pala ang  kumanta ng themes ong ng movie na dinirek ng first time director na si Alex Calleja.
Nasa cast din  Papa Pogi sina Donna Cariaga, Joey Marquez, Nonong Ballinan, Dawn Chang, Zeus Collins, Luke Conde,at Nikko Natividad.

 

 

 

EU NILINLANG, PONDO NG ‘NGOs’ ITINIGIL

 

HINDI na muna makatatanggap ng pondo mula sa European Union ang ilang organisasyon na sumusuporta sa makakaliwang grupo sa Pilipinas.

Ito ay makaraang pansamantalang suspendihin ng EU ang kanilang pagbibigay ng pondo sa mga organisasyon matapos malaman na napupunta pala sa mga komunistang grupo at ginagamit ang pondo sa pag aalsa laban sa gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi ni Armed Forces of the Philipines (AFP) Deputy Chief for Civil Military Operations BGen. Antonio Parlade, pinagsusumite sila ng EU ng mga karagdagang mga ebidensya na magbibigay-diin sa nasabing reklamo.

Sinabi ni Parlade na nangako ang EU na kapag natanggap na nila ang mga dokumento ay agad nila itong aaksyunan.

Sa ngayon ayon kay Parlade ay iniipon na nila ang lahat ng mga hawak na ebidensya at testimonya upang makapaghain ng pormal na reklamo sa lalong madaling panahon.

 

 

 

 

(NI JG TUMBADO)

 

‘SHOOT TO KILL’ SA SILAWAN KILLERS TINANGGIHAN NG PAMILYA

DAKPIN nang buhay.
Ito ang kahilingan sa pulisya ng kaanak ni Christine Lee Silawan, ang 16 anyos na dalagitang ginahasa at brutal na pinatay sa Lapu-Lapu City.
Ayon kay Senior Supt. Limuel Obon, chief of police, ng Lapu-Lapu City, hanggat maaari ay nais ng magulang at kaanak ni Silawan na mahuli nang buhay ang mga suspek na nasa likod ng krimen at maghirap sa kulungan ang mga ito.
Paliwanag ni Obon na walang “shoot to kill” order laban sa mga suspek at buhay na mahuli ang mga ito.
Kung sakaling manlaban at mamaril ang mga suspek sa mga pulis ay maaari silang kumubli para  mag-cover.
Ninanais din ng pulisya na sumuko ang mga kriminal at harapin ang kaso.
Sa ngayon ay may ilang “person of interest” na silang hinahabol subalit tumanggi si Obon na pangalanan ang pangunahing salarin na umano ay huling nakapalitan ng dalagita ng mensahe sa text.
Mayroon anyang nakabinbin na kasong murder ang lalaki at inaalam pa sa imbestigasyon kung may romantikong ugnayan ito sa biktima

 

 

 

March 14, 2019

Story 2: dakpin ng buhay; walang ‘shoot-to-kill’ order vs mga suspek sa Silawan rape/slay case

Dakpin ng buhay.

Ito ang naging kahilingan sa pulisya ng kaanak ni Christine Lee Silawan, ang 16 anyos na dalagitang ginahasa at brutal na pinatay sa Lapu-Lapu City.

Ayon kay Senior Supt. Limuel Obon, chief of police, ng Lapu-Lapu City, hanggat maaari ay nais ng magulang at kaanak ni Silawan na mahuli ng buhay ang mga suspek na nasa likod ng krimen at maghirap sa kulungan ang mga ito.

Paliwanag ni Obon na walang “shoot to kill” order laban sa mga suspek at buhay na mahuli ang mga ito.

Kung sakaling manlaban at mamaril ang mga suspek sa mga pulis ay maaari silang kumubli para  mag-cover.

Ninanais din ng pulisya na sumuko ang mga kriminal at harapin ang kaso.

Sa ngayon ay may ilang “person of interest” na silang hinahabol subalit tumanggi si Obon na pangalanan ang pangunahing salarin na anya ay huling nakapalitan ng dalagita ng mensahe sa text.

Mayroon anyang nakabinbin na kasong murder ang lalaki at inaalam pa sa imbestigasyon kung may romantikong ugnayan ito sa biktima.

 

 

 

 

 

(NI JG TUMBADO)

GASOLINE BILL NA P100 TINAKBUHAN; 2 PATAY SA ENGKWENTRO

NAPATAY ng pulisya sa naganap na engkwentro ang dalawang armadong lalaki na umanoy hindi nagbayad at nagpaputok pa ng baril sa isang gasolinahan sa Tayabas, Quezon Huwebes ng madaling-araw.
Wala pang pagkakakilanlan ang pulisya sa dalawang nasawing suspek na tinatayang kapwa nasa edad 35-40 anyos.
Ayon kay Supt. Mark Laygo, hepe ng Tayabas police, pasado alas 4 ng madaling-araw nang magpakarga sa isang gas station sa Barangay Baguio ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.
Nasa halagang P100 ng gasolina ang kanilang ipinakarga pero hindi umano nagbayad ang mga ito.
Pinagmumura pa umano ng naka-angkas ang gasoline boy na si Michael Mantalaba at pinagbantaang papatayin sabay pinaputukan ito ng dalawang beses subalit hindi tinamaan.
Lumalabas na nang umalis ang mga suspek ay agad tumawag sa istasyon ng pulisya ang ilang crew ng gasolinahan.
Naharang ang dalawa sa bahagi ng Barangay Calumpang at doon ay nakipagbarilan sa mga awtoridad dahilan para mapatay ang mga ito.
Nakuha malapit sa tabi ng bangkay ng isa sa dalawang  suspek ang isang .45 pistola.
Inaalam pa sa imbestigasyon ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung sangkot ang mga ito sa ilang serye ng robbery hold up sa lugar.

 

 

 

 

(NI BETH JULIAN)

DU30 MANINIBAK PA NG TAUHAN DAHIL SA KATIWALIAN

ASAHAN nang malalagasan muli ng miyembro ng Gabinete si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.

Ito ay matapos i-anunsyo ng Pangulo sa  talumpati nito sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas Bayan (PDP-Laban) sa Cauayan, Isabela nitong Miyerkoles ng gabi, na may isa pang set ng mga opisyal na kanyang sisibakin.

“I will be firing another set of officials. I’m sorry. Mahirap,” pahayag ng Pangulo.

Bagaman wala pang ibang sinabi ang Pangulo upang matukoy ang personalidad na kanyang sisibakin anumang oras o araw, sinabi nitong may kaugnayan pa rin sa kurapsyon.

Matatandaan na kamakailan lamang ay sinibak bilang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager si Alexander Balutan dahil umano sa katiwalian.

 

 

 

 

 

(NI ROSE G. PULGAR)

 

KRIS NAKAKITA NG LIWANAG SA ESTAFA VS NICKO FALCIS

 

NABASURA man ang kasong theft, nakakita naman ng probable cause ang Taguig City Prosecutor’s Office sa kasong estafa laban sa dating business partner ng actress na Kris Aquino.

Sa inilabas na resolution ni Taguig City Assistant State Prosecutor Claire Eufracia Pagayanan, ibinasura nito ang kasong qualified theft na isinampa ni Aquino laban kay Nicko Falcis.

Inirekomenda rin ng piskalya ang kasong paglabag sa Republic Act 8484  (Access Devices Regulation Act of 1998) matapos itong akusahan ng actress hinggil sa ginawa umano  nitong personal na pag-purchase ng halagang  P1.27 million  gamit ang credit card sa pamamagitan ng Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Sinabi ng piskalya, walang naipakitang ebidensiya ang kampo ng actress  hinggil sa kasong qualified theft kaya ito ibinasura, kung kaya’t estafa ang inirekomenda nila laban kay Falcis.

“There was no personal property which was taken either from Aquino or KCAP. A careful scrutiny of the allegations would show that there is enough evidence to engender a well-founded belief that Falcis converted the corporate credit card extended to him much to the damage and prejudice of Aquino and KCAP,” ito ang nakasaad sa resolution ni Pagayanan.

Naunang ibinasura ni Makati City Senior Deputy City Prosecutor Emmanual Medina ang kasong qualified theft laban   kay Falcis,  na kahalintulad din sa naging akusasyon ng actress.

 

 

 

 

 

 

 

(NI ROSS CORTEZ)

 

 

SUV UMARANGKADA SA ARCADE NG MALL; 1 PATAY

ISA ang patay habang 11 ang sugatan ng araruhin ng isang SUV (Mitsubishi Montero) na may plakang UHO 229 ang main building ng Waltermart sa Carmona, Cavite bandang 1:25 ng Miyerkoles ng tanghali.
Sa tala ng Carmona Municipal Police Station, ipinoporma ng 66-anyos na driver na si Rosendo Mamucod sa parking lot ng Person With Dissability ang nasabing SUV nang bigla umanong umarangkada ang sasakyan at tinumbok ang mga biktima na kasalukuyang nasa Fun House gaming area
Deklaradong dead on arrival sa Carmona Medical Hospital si Rollen Sartiel, habang nilapatan ng agarang lunas ang iba pa na sina Myrna Doctor, Nina Marie Morello, Glennis Gianan, Jinky Oborza, Rhalf Oborza, 4, Florabel Medina, Mark Anthony Gonzales, Mark Leo Ace Gonzales,4, Jazz Lano, 6, Cian Laurora Sartiel, 3, at Emma Hunsay, 74.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries, homicide and damage to property ang suspek.Nabatid na na-stroke na ang biktima ilang buwan na ang nakararaan at hinihintay lamang ang asawa na bumili ng gamot sa drugstore sa loob ng department store.

149

Related posts

Leave a Comment