JUDGE SOLIS-REYES SA SUPREME COURT?

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUWALIPIKADONG-kuwalipikado na sa mas mataas na posisyon sa Hudikatura si Judge Jocelyn Solis-Reyes Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 211.

Kung ang mga militanteng mambabatas, nais ng mga ito na ilagay sa Korte Suprema si Solis-Reyes dahil kailangan umano ang tulad nito sa kataas-taasang hukuman.

“Siya ang tipo ng mahistrado na kailangan natin. (ang kanyang tapang) ang hinahanap natin sa hustisya,” pahayag ni ACT party-list Rep. France Castro sa press conference sa Kamara.

Si Solis-Reyes ang ikalawang Judge na humawak  sa Maguindanao massacre matapos mag-inhibit si Quezon City Regional Trial Court Judge Luisito Cortez, dahil sa pangamba sa kanyang seguridad.

Matapos ang 10 taong paglilitis, sinentensyahan ni Solis-Reyes ng habambuhay na pagkakabilang ang 28 pangunahing suspek sa Manguindanao massacre nitong Huwebes, Disyembre 19 na kinabibilangan ng 7 Ampatuan sa pangunguna nina Datu  Zaldy ‘Puti’ Ampatua, Datu Andal ‘Unsay’ Ampatuan Jr., Datu Anwar Zajid ‘Ulo’ Ampatuan.

Nabatid na noong 2013, inaplayan ni Solis-Reyes ang bakanteng posisyon sa Court of Appeals (CA) subalit hindi niya ito nakuha nais ng noo’y SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tapusin muna nito ang paglilitis sa Maguindanao massacre.

Sampung taon ang ginugol ni Solis-Reyes sa nasabing kaso na sinimulan nito noong siya ay 49 anyos pa lamang.

“Lahat ng mga abogado ay hanggad ang pinakamataas na posisyon sa Judiciary at kasama na dyan si Judge Solis-Reyes at kuwalipikadong kuwalipikado sya bilang Associate Justice sa Supreme Court,” ayon naman kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Para naman kay Bayan Muna party-list Ferdinand Gaite, kung nagkataong atleta si Solis-Reyes, ay gold medalist siya sa katatapos ng Southeast Asian Games dahil sa kanyang makasaysayang desisyon sa nasabing kaso.

“Sa akin,  gold medalist siya sa Supreme Court (position),” dagdag pa ni Gaite.

 

258

Related posts

Leave a Comment