(NI DANG SAMSON-GARCIA)
HINIMOK ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang Philippine Military Academy (PMA) na buksan ang kanilang hanay sa imbestigasyon sa panibagong kaso ng hazing laban sa isang kadete.
Sinabi ni Zubiri na dapat managot ang mga responsable sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio.
Nagbabala pa ang senador sa PMA na posible ring mapatawan ng parusa sa ilalim ng bagong batas laban sa hazing kung hindi aaksyunan ang insidente.
“Those Cadets must now pay with the full force of the Law against them. The Academy must open themselves to investigation or they themselves will be subject to harsh penalties under the new law we Authored together with Sen. Ping Lacson last 17th Congress which was R.A.11053 or the Strengthened Anti-Hazing Law,” saad ni Zubiri.
Ang pinalakas na anti-hazing law ay ipinasa kasunod ng pagkamatay ni Atio Castillo sa kamay ng kanyang fraternity brothers.
Aminado si Zubiri na ang pagkamatay ni Domitorio ay dobleng dagok lalo pa’t noong isang taon lamang naipasa ang bagong batas laban sa hazing.
“The death of a promising youth brings us so much grief because we have passed a stern law just last year. It seems fraternities haven’t learned their lessons,” diin ni Zubiri.
“The young men who punched out the life of fellow cadet Darwin Dormitorio of Cagayan de Oro are deemed knowledgeable, disciplined and upright. Being cadets of the Philippine Military Academy, the country’s premiere military school, they were expected to be models for other Filipino youth,” dagdag ng senador.
Sa ginawa anya ng mga kadete, itinapon na ng mga ito ang tunay na kaugaliang itinuro sa kanila ng PMA.
“They can’t be called fine officers and gentlemen as they exact obedience through fear, intimidation and physical pain,” diin pa ng senador.
Masakit anyang ulitin ang proseso ng paghingi ng katarungan para sa mga biktima subalit kailangang protektahan ang kabataan.
378