KAHIT MARAMING KONTRA; KONSTRUKSIYON NG KALIWA DAM TULOY

kaliwa dam33

(NI ABBY MENDOZA)

ITUTULOY  na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kontruksyon ng Kaliwa Dam project, sa kabila ng isyu sa displacement ng mga Indigenous People at problema sa bidding.

Sa briefing ng House Committee on Metro Manila Development, sinabi ni MWSS Administrator Emmanuel Salamat na kanila nang sisimulan ang konstruksyon ng Kaliwa Dam o ang New Centennial Water Supply Project sa oras na makuha na nito ang environmental compliance certificate mula sa Department of Natural Resources.

“We will implement this project as approved by our board of trustees. We are currently complying with the requirements for the project. Right now, we’re waiting for the ECC,” paliwanag ni Salamat sa pagharap nito sa briefing ng Committee na pinamumunuan ni Manila 1st district Rep. Manuel Luis Lopez.

Tiniyak ni Salamat na ang mga concerns sa proyekto ay kanilang sosolusyunan at pangunahin na dito ang usapin ng madidisplaced na IP community sa Infanta, Quezon.

“We are conducting public hearings with affected communities and we are addressing their concerns. We want to make sure there will be sustainable plans for communities to ensure their support,” dagdag ni Salamat.

Ang nasabing water project na itatayo ng China Energy Engineering Corp. ay unang naaprubahan noong 2014, subalit noong 2017 ay binago ang financing scheme na mula sa public-private partnership at ginawa itong official development assistance matapos na rin ang naging pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping noong nakaraang taon.

Ang Kaliwa Dam na magsusupply ng 600 milyong litro ng tubig sa Metro Manila ay gagastusan ng P12.2B.

Nasa 85% o P10.2B sa nasabing pondo ay popondohan sa pamamagitan ng official development assistance mula sa  China habang ang 15% o nasa P2 bilyon ay popondohan ng MWSS.

Suportado ng Kamara ang pagsisimula ng konstruksyon ng Kaliwa Dam subalit sinabi ni Lopez na dapat humanap pa rin ng alternative source ng pagkukunan ng tubig ang MWSS para sa mga residente ng Metro Manila upang hindi lamang dumepende sa Angat Dam.

Inirekonenda ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na ikonsidera ng MWSS ang Laguna Lake bilang aternative water source.

Samantala, inihayag din  ni Salamat na balik sa normal na ang water supply sa Metro manila matapos ang naranasang krisis.

Ang water level umano sa Angat Dam  ay umabot na sa normal level na 181.77.

 

165

Related posts

Leave a Comment