KAKAPUSAN NG LANGIS AAGAPAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na agapan ang posibleng kakapusan ng suplay ng langis sa bansa kasunod ng drone strike sa Saudi Arabian oil facility.

Sinabi ni Gatchalian na kailangan bumalangkas ang DOE ng energy security sa pamamagitan ng paghahanap ng iba’t iba pang oil supplier.

Iginiit ng senador na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang dagdag na bigat sa pasanin ng mga consumer.

“The surge of global oil prices as a result of the recent devastating drone strike on a Saudi Arabian oil facility underscores the need for the Department of Energy (DOE) to put energy security at the forefront of its energy direction by diversifying our oil supplier portfolio,” saad ni Gatchalian.

Nagbabala si Gatchalian na malaki ang posibilidad na magkaroon ng massive disruptions sa oil supply chain na magkakaroon ng negatibong epekto sa lokal na transportaston at power sector.

Ipinaalala ng senador na 33.7% ng crude oil suplay ng Pilipinas ay nagmumula sa Saudi Arabia na siyang top supplier krudo sa bansa.

Sa ngayon, dapat anyang bumalangkas ang DOE sa tulong ng local oil industry suppliers, ng contingency plan na pansamantalang papalit sa Saudi oil hanggang maging normal ang suplay.

477

Related posts

Leave a Comment