KALIWA DAM ‘DI MAGAGAMIT KAHIT MAY KRISIS

kaliwa dam12

(NI BETH JULIAN)

INIHAYAG ng Malacanang na malabong matuloy ang planong pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Quezon province kahit na nakararanas ng matinding kakapusan sa tubig sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, marami ang tumututol na maisakatuparan ang plano sa Kaliwa Dam na popondohan sana ng China.

Una nang iginiit ni Finance Secretary Carlos Dominguez na kailangan nang matuloy ang konstruksyon ng Kaliwa Dam dahil ito ang nakikitang  solusyon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa bansa.

Nagkakahalaga ng P12.2 bilyon ang pagtatayo ng Kaliwa Dam kung saan ang 85 porsyento rito ay popondohan ng China habang ang 15 porsyento ay mangagaling sa Pilipinas.

Ang pagtatayo sana ng Kaliwa Dam ay pamamahalaan ng Beijing China Energy Engineering Corporation sa General Nakar at Infante, Quezon.

89

Related posts

Leave a Comment