(NI FRED SALCEDO/PHOTO BY JACOB REYES)
MATAPOS makasakote ng umaabot sa P3 bilyong halaga ng droga at sa sunud-sunod na pagsamsam sa mga ito, hinihingi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang death penalty sa mga nasa likod ng drug smuggling sa bansa.
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na sa kawalan ng parusang kamatayan kaya malakas pa rin ang loob ng mga dayuhan na magpasok ng ilegal na droga sa bansa.
“That is the stand of PDEA, the restoration of death penalty for drugs, particularly on drug trafficking, drug smuggling, and drug manufacturing,” aniya.
Kasunod nga panibagong pagkakasabat ng droga sa Manila International Container Port (MICP) na nagkakahalaga ng P1.8 bilyon, sinabi ni Aquino na sa loob lang ng isang linggo, halos P3 bilyong halaga ng shabu ang nasasamsam ng PDEA.
Hindi pa umano naisasabatas ang death penalty at dahil ditto kung kaya’t namumutitik pa rin ang mabibigat na kaso na may kinalaman sa ilegal na droga. Bagama’t pinalalakas ng PDEA ang ugnayan sa ibang bansa para sa epektibong operasyon sa iligal na droga ay aminado silang wala pa rin takot ang mga dayuhan na magpasok ng droga sa bansa.
Ang nasamsam sa MICP ay bunga ng koordinasyon ng Vietnamese authorities sa bansa.
Biyernes ng umaga dumating ang kontrabando sakay ng barko mula Ho Chi Minh. Inilagay ito sa mga sako na idineklarang mga plastic resin.
Bawat sako ay may mga nakalagay na malalaking pakete ng tsaa, sa loob nito ay nasa isang kilo ng shabu.
Ayon sa mga chemist ng PDEA na nagsuri sa kontrabando, mga high-grade shabu ang mga laman nito.
168