KAMARA SERYOSO SA ROTC REVIVAL

(NI BERNARD TAGUINOD)

SERYOSO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na maibalik sa mga eskuwelahan ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) kaya muling ihinain ang nasabing panukala.

Sa House Bill (HB) 2613 na inakda ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles, umaasa ito na sa pagkakataong ito ay maibalik na ng tuluyan ang ROTC kung saan ipapatupad ito sa Grade 11 at 12.

Noong Mayo 2019, pinagtibay ng Kamara sa botong 167 pabor, 4 kontra at 0 abstention, ang nasabing panukala subalit hindi  naging batas dahil hindi ipinasa ng Senado ang kanilang hiwalay na bersyon.

Gayunpaman, muling inihain ni Nograles ang nasabing panukala bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang ROTC sa mga kabataan upang maibalik ang disiplina sa hanay ng mga kabataan.

“The bill aims to enhance the capacity of the country to produce the needed manpower and to extend its human resources in times of war, calamities, and disaster, national or local emergencies,”  ani Nograles.

Magugunita na noong  2002 ay binuwag ang ROTC dahil sa umano’y katiwalian at kaharasan tulad ng pagkamatay ng isang kadete ng University of Sto. Tomas (UST) na iinuugnay sa natuklasan nitong anomalya.

Subalit, simula umano nang mawala ang ROTC ay nawala na umano ang disiplina sa mga kabataang estudyante kaya iminungkahi ni Duterte na muling ibalik ito.

“This proposed measure will likewise support the government’s law enforcement strategy against crimes, by creating a pool of well-trained and prepared reservists,” ayon pa kay Nograles.

Maglalagay umano ng mga safeguards ang Kongreso upang maiwasang magamit ito sa katiwalian at karahasan at tanging sa  mga malusog at walang kapansanan na estudyante ipapatupad ito.

 

170

Related posts

Leave a Comment