KANDIDATO BINALAAN SA PAGHINGI NG ‘SOLICITATION’

comelec

(NI FRANCIS SORIANO)

Sa pag-arangkada ng unang araw ng kampanya ng lokal na kandidato ngayong midterm elections ay nanawagan at nagbigay paalala ang Commision on Elections (Comelec) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa kandidato at mga botante na bawal magbigay o humingi na pinansyal na tulong.

Ang sino mang lalabag, mapapatunayan o mahuhuli na nagbibigay na politiko o botante na ginagamit ang solicitation upang makahingi ng pinansyal o bagay ay maaring masampahan ng kaso.

Bunsod sa umiiral na Comelec Omnibus Election Code XXII section 261 na ipinagbabawal ang mag-donate o magbigay sa loob ng 45 days bago ang nakatakdang botohan sa Mayo 13.

Kasunod nito ay ang panawagan ni DILG Undersecretary for Operation Epimaco Densing III, na bantayan ng taong-bayan ang mga barangay official na nakikilahok sa lokal na kampanya ngayong midterm election.

Maaari umanong kunan ito ng picture o video at ipadala sa kanilang tanggapan para masampahan ng kaukulang asunto.

 

192

Related posts

Leave a Comment