PAGTATABOY SA MANGINGISDANG PINOY GUSTO NANG TULDUKAN

west

(NI BETH JULIAN)

INAASAHANG maseselyuhan pa ang ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa susunod na buwan gayundin ang matagal nang isyu sa umano’y pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa mga Pinoy na nangingisda sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Finance Usec. Mark Dennis Joven, ito ay inaasahang mangyayari sa pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing, China sa Abril.

Gayunman, hindi nangangahulugan na ang lalagdaang kasunduan ay tulad ng mga kasunduan na mayroon na ngayon ang dalawang bansa.

Una nang sinabi ng Malacanang na posibleng matalakay nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jin Ping ang umano’y pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mangingisdang Filipino sa Scarborough Shoal.

Ilang ulat na ang lumabas sa umano’y pagtataboy ng mga Chinese nationals sa maliliit na mangingisda sa lugar ngunit walang pormal na report na inilalabas upang matugunan ang problema.

90

Related posts

Leave a Comment